top of page

Mga Nakakatuwang Impormasyon Tungkol kay Levi Celerio

Si Levi Celerio ay idineklarang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika at Literatura noong 1997.

Si Celerio ay isang kompositor na nakasulat ng mahigit apat na libong awitin. Kasama sa kanyang mga naisulat ang Ikaw, Kahit Konting Pagtingin, at Sa Ugoy ng Duyan. Isinulat niya rin ang ilang mga kilalang awiting Pamasko katulad ng Ang Pasko ay Sumapit, Noche Buena, and Pasko Na Naman.

Ayon sa mga nakatrabaho noon ni Celerio ay kaya nitong magsulat ng awitin sa loob lamang ng 20 minuto, gamit ang hiniram na pluma at papel sa loob ng kaha ng sigarilyo.

Kinilala rin si Celerio ng Guiness Book of World Records dahil sa kanyang abilidad na gawing instrumento ang dahon.

Sa kasamaang palad, sa kabila ng kanyang naiambag sa Musikang Pilipino ay pumanaw siyang mahirap noong 2002. Ang nangyari sa kanya ay isa sa mga naging basehan upang amendahan ang Intellectual Property Code of the Philippines

bottom of page